X
Billy Crawford gustong magkaroon ng back-to-back concert kasama si Sarah Geronimo!

Pumirma ng kontrata sa Viva ang International RnB Star na si Billy Crawford ngayon, January 16, 2018.

Sa pinirmahan niyang 5-year contract, nabanggit ng sikat na host at performer ang mga nais niyang gawin at kanyang mga expectations ngayong siya ay parte na ng pamilya ng Viva.

Ayon kay Billy gustong-gusto niyang magkaroon ng back-to-back concert kasama ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

"Ang pangarap ko ay ang magkaroon ng concert with Sarah [Geronimo]. It's one of my biggest goals, to actually do a back-to-back concert with Sarah."

Dagdag pa niya, "Noong first time ko dito sa Pilipinas, noong first time na lumipat ako sa ABS-CBN, si Sarah ang pinakauna kong nakasama sa prod."

Puno rin ng papuri si Billy para kay Sarah.

"She reminds me kasi talaga of young Beyonce, Whitney [Houston], and all these iconic artists so that's why."

Noong Linggo ay nag-perform na din ang dalawang singer sa ASAP stage. Ito naman ay nakatanggap ng mga papuri galing sa mga fans.

 

Excited na ba kayo?

Leave a Comment