X
Ano ang Health Advocacy ni Sarah Geronimo?

Marami ang humahanga sa taglay na kabaitan ng “Miss Granny” star na si Sarah Geronimo. Kahit na naabot na niya ang rurok ng kaniyang kasikatan, nananatiling mapagkumbaba ang ating Popstar Royalty.

Nais ni Sarah na makatulong sa kaniyang mga kababayan sa pamamagitan ng pagiging inspirasyon sa kanila.

Naging mukha si Sarah ng isang campaign para sa isa sa kaniyang mga endorsements noong nakaraang taon.

Ang brand na ito ay nagsagawa ng campaign para sa sakit na anemia na tinawag na “Dugong Pinoy”.

Ayon sa head of marketing ng campaign na ito, si Sarah ang perpektong modelo para kumatawan sa brand na ito.

Ayon sa kaniya, “With the help of Sarah, we want to educate the Filipinos on anemia ‘cause 1 out of 4 Filipinos are at risk of anemia. So we need the help of Sarah to educate the Filipinos to take care of their blood.”

Ipinaliwanag ni Sarah ang kaniyang role sa campaign na ito. “‘Yung konsepto ng commercial is ako ‘yung parang nagli-lead sa mga kababayan kong mga Pilipino na “Tara, magsama-sama tayo para sa malaking pagbabago”. Ito ‘yung pagpapahalaga ng ating dugo.”

Panoorin ang episode na ito mula sa Popstar Diaries:

Leave a Comment