X
Sarah Geronimo, Gustong Makatrabaho ng Isang Korean Actor

Dahil sa kaniyang angking galing sa kaniyang pagkanta, pagsayaw, at pag-arte, hindi maiiwasang hangaan ng karamihan ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Bukod pa sa kaniyang mga talento, mabuti rin ang kalooban ng dalaga kaya naman padagdag ng padagdag ang kaniyang mga fans.

Hindi lamang mga Pilipino ang humahanga kay Sarah, kundi mga tao rin abroad.

Pumirma ng kontrata sa VIVA Artists Agency noong February 6, 2018 ang Korean actor na si Jin Ju Hyung (English name: Justin).

Nakita natin si Ju Hyung sa mga Korean shows na “Suspicious Partner”, “Hwarang”, “Cinderella and Four Knights”, “Iron Man”, “Scandal: A Shocking and Wrongful Incident”, at “Sirius”.

Nakatambal niya na rin ang Filipina actress na si Devon Seron sa pelikulang “You With Me”.

Nabanggit ni Ju Hyung na nais niyang makasama sa project ang ating “Miss Granny” na si Sarah.

Inaabangan pa kung pagsasamahin si Ju Hyung at Sarah sa kanilang future projects.

Gusto niyo rin bang makita sa isang pelikula si Sarah at Ju Hyung? Ibahagi sa amin sa comments section sa ibaba!

 

Photo credits to @sarahgeronimoshots IG

Leave a Comment