X
Regine Velasquez feels sad that she can’t come to Sarah Geronimo’s upcoming concert

Nanghihinayang ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez na hindi siya makakarating sa concert ni Sarah Geronimo para sa pag-celebrate nito ng ika-15 na taon sa industriya.

Itinuturing nang anak-anakan ni Regine si Sarah dahil siya ay isang malaking parte ng career ng Popstar Royalty.

Si Sarah ang naging grand champion sa singing show noon ni Regine na Star for a Night.

Ayon sa batikang singer, may conflict sa kanyang schedule at sa schedule ng concert na gaganapin sa April 14 sa Araneta Coliseum.

"I feel sad nga that I won't be able to be there. I'm part of it (Sarah's career) di ba since the beginning? I feel bad that I won't be able to."

Dagdag pa ni Regine, "I really want to, kaya lang mayroon akong conflict sa schedule and last year pa kasi yun."

Si Sarah naman ay naging bahagi ng nakaraang R3.0 concert ni Regine.

1 Comments
  1. Lazaro M Bella
    March 11, 2018 -
    Reply

    will my 3rd time to see Sarah saw her in Philippines during Yolanda concert 2013, at San Francisco and now it Pittsburg, CAlfiornia USA near San Francisco as we replace San Francisco for her concert as we have a great community of dami pinoy's here.

Leave a Comment