X
Our Top 5 Sarah Geronimo Birit Performances:

Laging all-out ang mga production numbers ng nag-iisang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Tuwang-tuwa tayo kapag nakikita natin siyang sumayaw at kumanta tuwing Linggo sa ASAP.

Nagiging viral ang kaniyang mga performances sa Sunday show na ito.

Magkakaroon si Sarah ng isang major concert para ipagdiwang ang kaniyang ika-labinlimang taon sa industriya.

Gaganapin ang “Sarah Geronimo: This 15 Me” sa April 14 sa Big Dome.

Magkakaroon rin ng US leg tour ang concert na ito ni Sarah para pagbigyan ang kaniyang mga fans sa America.

Hindi na bago kay Sarah ang pagbirit. Tila natural na natural sa kaniya ang ganito.

Dahil alam naming excited na kayong lahat sa nalalapit na concert ni Sarah, naghanda kami ng aming Top 5 na birit performances ng ating “Miss Granny”.

1. Freedom
Nag-ala Beyonce ang dalaga sa kaniyang production number sa ASAP noong November 5, 2017. Kinanta niya ang birit song na “Freedom”.

 

2. Sorry Not Sorry
Inabot naman ni Sarah ang high notes ng hit song ni Demi Lovato na “Sorry not Sorry” noong September 24, 2017 sa ASAP.

 

3. Hello
Ang rendition ni Sarah ng “Hello” ni Adele ay ang aming paboritong bersyon ng kantang ito. Pinerform niya ito sa ASAP stage noong November taong 2015.

 

4. Ikot-Ikot
Ang kanta niyang “Ikot-Ikot” ay isa sa aming paborito!

5. Kilometro
Nakapasok rin sa aming listahan ang “Kilometro”.

Nakapasok rin ba sa Top 5 na ito ang paborito niyong Sarah G birit performance?

Ibahagi sa amin sa comments section sa ibaba!

 

Photo credits to @sarahgeronimoshots IG

Leave a Comment