X

Ilang linggo na lang at masasaksihan nating muling magperform sa kaniyang concert ang nag-iisang Popstar Royalty na si Sarah Geornimo.

Ang “Sarah Geronimo: This 15 Me” ay kaniyang handog sa mga taong sumuporta sa kaniya sa labinlimang taon niya sa showbiz.

Malayo na ang kaniyang narrating mula nang nanalo siya sa television singing contest na “Star for a Night”. Ang dating host ng palabas na ito na si Regine Velasquez ay nakakasama na ni Sarah sa mga concerts at performances.

Gaganapin ang pinakaaabangan na concert ni Sarah sa April 14 sa The Big Dome.

Magkakaroon rin ng US tour si Sarah para sa “This 15 Me”.

Iniimbitahan tayong lahat ni Sarah na panoorin siyang mag-perform sa The Big Dome.

Panoorin dito ang pasilip sa concert photoshoot ni Sarah:

 

Kita-kits tayo sa April 14 sa The Big Dome, Popsters!

Leave a Comment