X
Ang mga dapat abangan sa “This I5 Me” concert ni Sarah Geronimo

Ibinahagi ng sikat na concert director na si Paul Basinillo ang kanilang paghahanda para sa nalalapit na "This I5 Me" concert ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Magaganap ang concert bilang isang selebrasyon sa ika-15 na taon ni Sarah sa industriya at si Paul Basinilo ang nakatakdang mag direk nito.

Ayon sa kanya, si Sarah ang mismong magco-conceptualize ng kanyang mga gagawin sa concert.

"Fifteen years na siya. Ito naman siguro dapat talaga abangan ang lahat ng mga pasabog na si Sarah mismo ang magco-conceptualize."

Maigi rin daw ang ginagawang paghahanda ngayon ni Sarah.

"Ang tagal din niya kasing nawala. Yung last concert naman niya, hindi siya talaga major concert. Medyo small scale lang siya sa Kia Theater. Ngayon talagang pinaghandaan niyang mabuti, lalong lalo na sa mga production numbers."

Dagdag pa ni Direk Paul, "Ang hinahanap kasi ng tao, yung mga dating kanta niya na sikat. Tapos yung mga hatawan na sayawan."

Matatandaang si Direk Paul rin ang nagdirek sa kakatapos lang na The Revolution na concert naman nina James Reid at Nadine Lustre.

Sa April 14 na magaganap ang "This I5 Me" concert sa Big Dome.

Leave a Comment