X
Our Favorite Covers of Sarah Geronimo’s Hit Songs

Household name na sa bansa ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Labinlimang (15) taon na si Sarah sa showbiz kaya naman halos lahat na ng mga Pilipino ay kilala ang dalagang ito.

Bukod sa kaniyang talento sa pagkanta, magaling ring sumayaw, umarte, at mag-model ang ating “Miss Granny”.

Isa siyang total performer kaya naman parating excited ang lahat na makita siyang mag-perform on stage.

Para ipagdiwang ang kaniyang 15th year anniversary, magkakaroon si Sarah ng concert sa The Big Dome sa April 14, ang “Sarah Geronimo: This 15 Me”.

Magkakaroon rin ng US tour ang dalaga para sa nasabing concert.

Dahil sa kaniyang galing sa pag-awit, marami nang awards ang kaniyang natatanggap hindi lamang sa award-giving bodies sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa. Kamakailan lang ay nasungkit ni Sarah ang “Best Philippine Act” award sa prestihiyosong International Golden Panther Awards.

Dahil sa kaniyang mga catchy songs, siguradong magkakaroon ka talaga ng LSS (Last Song Syndrome).

Magaganda ang mga nagagawang kanta ni Sarah kaya naman mayroong mga gumagawa ng kanilang cover ng hit songs ng ating paboritong Popstar.

Ito ang ilan sa aming paboritong cover ng mga kanta ni Sarah:

1. Dahil Minahal Mo Ako- cover by Zanthea

2. Ikot Ikot- cover by Sam Mangubat

3. Kilometro- a cappella cover by The Filharmonic

4. Tala- cover by Cholo Dela Cruz

5. Misteryo- cover by Job Christian

 

Nakapasok ba sa aming listahan ang paborito niyong cover? Ibahagi sa amin sa comments section sa ibaba!

Leave a Comment