X
Panoorin ang Rare Footage ni Sarah Geronimo Bago ang Kaniyang Concert

Seryoso sa kaniyang craft ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Dahil sa kaniyang pagiging metikuloso pagdating sa kaniyang mga performances, nagiging sobrang ganda ang nagiging kalabasan ng mga ito. Laging tumatatak sa utak ng mga nanunuod ang mga production numbers ni Sarah.

Naghahanda ng mabuti ang dalaga tuwing siya ay may concert para maging sulit ang pagpunta ng kaniyang mga fans.
Ngayon pa lang ay sinisigurado na ni Sarah na magiging memorable sa mga popsters ang kaniyang upcoming 15th anniversary celebration concert na “Sarah Geronimo: This 15 Me” na gaganapin sa The Big Dome sa April 14.

Habang hinihintay nating dumating ang April 14, magpapasilip muna kami ng isang rare footage ni Sarah habang nagre-rehearse backstage para sa isa sa kaniyang mga nagdaang concert.

Panoorin ang video dito:

 

Excited na rin ba kayo sa nalalapit na concert ni Sarah? Nakabili na ba kayo ng tickets? Ibahagi sa amin sa comments section sa ibaba!

2 Comments
  1. Josephine B. Tiberio
    March 8, 2018 -
    Reply

    Ang galing talaga ng idol KO??, sna makanuod ako ng concert mo, kaso ang layo namin andito kmi sa Northern Samar

  2. Olive
    March 9, 2018 -
    Reply

    Ur my no.1 idol sarah..the best tlaga pag nag concert ka We love you idol, sarah...

Leave a Comment