X
WATCH: Sarah G’s Pasabog Performance of “Ain’t Your Mama”

Parating world-class ang mga performances ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

 

Biro pa ng iba, nang magpaulan marahil ng talent si Lord, napunta lahat ito kay Sarah.

 

Kilala natin siya bilang isang magaling na singer, dahilan kung bakit siya tinanghal na champion ng TV singing contest na “Star For A Night”.

 

Paglipas ng mga taon, natuto ring sumayaw mala-G-Force ang dalagang ito.

 

Nahasa rin ang kaniyang talent sa pag-arte, kaya naman parating blockbuster ang kaniyang mga pelikula. Patunay na rito ang higit 300 million na kinita ng kaniyang huling movie kasama si John Lloyd Cruz, ang “Finally Found Someone”.

 

Magkakaroon muli ng movie si Sarah at sa unang pagkakataon, makakasama niya ang Multimedia Prince at NEVER NOT LOVE YOU star na si James Reid. Sa pelikulang MISS GRANNY, makakatambal niya ang aktor na si Xian Lim.

 

Lahat ng performances ni Sarah ay tumatatak nsa mga isip ng mga Popsters.

Ang pag-perform niya ng kantang “Ain’t Your Mama” ni Jennifer Lopez ay isa sa aming mga paborito.

Panoorin ang pasabog performance na ito dito:

 

Nagustuhan niyo rin ba ang performance na ito ni Sarah? Ibahagi sa amin sa comments section sa ibaba!

 

Sabay-sabay nating abangan si Sarah sa “Sarah Geronimo: This 15 Me” sa April 14 sa The Big Dome!

Leave a Comment