X
Sarah Geronimo Dedicates Her Concert to Popsters

Nalalapit na ang concert ng nag-iisang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Iniimbitahan na tayo ni Sarah na samahan siyang i-celebrate ang ika-labinlamang taon niya sa industriya.

Sabi nito sa kaniyang Facebook live, “Eleven days to go at icecelebrate ko na po ang aking 15th anniversary in the business. Excited na po ako at kinakabahan na.”

Nais ni Sarah na ipagdasal natin ang success ng kaniyang concert.

“Please pray for me, na maging successful po ang aking 15th anniversary concert.”

Inihahandog naman niya ito sa mga Popsters na walang humpay ang suporta sa kaniya. “This is all for you sa lahat po ng mga sumuporta sa’kin mula nung Star for a Night. Yung mga bumoto po sa akin that night, para po sa inyong lahat ito. And ‘til now, ‘yung mga patuloy po na sumusuporta sa’kin, para po sa inyo ‘to. So sana po talagang mapaganda namin at inyo pong maappreciate.”

Nabanggit niya rin ang US leg ng kaniyang “Sarah Geronimo: This 15 Me” concert.

“Aside po sa aking concert sa The Big Dome on April 14, magkakaron din po kami ng US concert tour, mga kababayan po namin sa States. It’s been a while since the last time na nagkaron kami ng show diyan. So I’m excited po na makasama po kayo muli at magperform po sa mga kababayan natin diyan sa America.”

“Ito po ay pasasalamat ko po hindi sapat ‘yung isang gabi. Kungpupwede lang po na everyday na magperform po ako para sa inyo,” sabi ng dalaga.

 

Panoorin ang recorded live ni Sarah dito:

 

 

Makiki-celebrate ka ba kay Sarah sa kaniyang 15th anniversary concert? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba!

Leave a Comment