X
James Reid, Daniel Padilla to Join Forces in Sarah Geronimo’s Concert

Marami na ang na-eexcite sa nalalapit na 15th anniversary concert ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

 

Ang “Sarah Geronimo: This 15 Me” ay gaganapin sa April 14 sa The Big Dome.

Sa lahat ng curious sa pagkawala ko these past few days, eto na po... I took a short break para mag-refresh -- to get ready for one of the biggest events in my life.Talaga pong demanding sa oras at energy etong paghahanda ko sa concert. Pinakamalaking challenge ito sa career ko so I have to give it my all para sa lahat ng taong sumusuporta sa akin at naging parte ng buhay ko. Alam ko hindi ko ito kaya mag-isa. Kinakailangan ko po ng oras para makasama ang mga taong tulad ko na nagpupursigi para maging successful ang concert na ito. Iba po ang nagagawa pag personal mo silang nakakasama at nakikilala -- at syempre ibang level of confidence din ang makikita niyo. We dedicate all these hard work sa lahat ng pamilya namin, sa mga taong malalapit at naging malapit sa amin, sa lahat ng mga taong naniniwala sa amin sa simula ng career ko, at syempre sa inyong lahat. ?I feel refreshed now. Ready na ba kayo? See you soon! #This15Me

A post shared by Sarah Geronimo (@justsarahgph) on

 

Inannounce ni Sarah sa kaniyang YouTube live ang ating mga dapat abangan sa kaniyang concert.

 

Isa na rito ang kaniyang mga guests sa gabing iyon.

Sasamahan si Sarah ng mga kilalang celebrities sa industriya na sina Mark Bautista, Billy Crawford, Xian Lim, Daniel Padilla, at James Reid.

Ilang beses ng nakasama ni Sarah si James sa kaniyang mga ASAP performances. Kasama niya rin ito at si Xian sa kaniyang pelikula na MISS GRANNY.

 

Excited na ba kayong Makita ang mga ito in one stage? Sabay-sabay nating panoorin si Sarah sa The Big Dome sa April 14!

Leave a Comment