X
Sarah Geronimo, Number 1 Muli sa iTunes!

Ilang araw na lang at makikita nating muling mag-perform sa stage ang nag-iisang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

 

Ang “Sarah Geronimo: This 15 Me” ay gaganapin sa April 14 sa The Big Dome. Ang mga inanunsyong guests concert na ito ay sina Mark Bautista, Billy Crawford, Xian Lim, Daniel Padilla, at James Reid.

Bago ang kaniyang pinakaaabangan na concert, nag-release si Sarah ng tatlong (3) single ngayong taon: “Sandata”, “Ganito”, at “Duyan”.

Lahat ng kaniyang mga bagong kanta ay agad nag-top sa iTunes chart ilang minuto pa lang pagkalabas nito.

Noong April 6, nag-number one ang single niyang “Duyan”, samantalang number 2 ang “Ganito”.

Ang songwriters na na sina Yumi Lacsamana at Thyro Alfaro ang nagsulat ng bagong chart-topping song ni Sarah.

Ayon kay Yumi, si Sarah mismo ang nag-request na gawan niya ito ng kanta na kagaya ng catchy song na “Ikot Ikot”.
Kinwento ni Yumi sa kaniyang Twitter account,

 

“Her exact words: Yumi, pwedeng magpagawa ng kasing puso ng 'Ikot Ikot'? Sana parang tunog soul na sing angas at lagkit. 'Yung 'Ikot Ikot' kasi pagod pero nagmamahal pa rin. Itong song lang sana na gagawin mas high sa pag-ibig hahaha.”

 

Congratulations, Sarah, Yumi, at Thyro para sa panibagong hit song!

 

Ano ang paborito niyong linya mula sa kantang “Duyan”? Ibahagi sa amin ang inyong mga komento sa ibaba!

Leave a Comment