X
Sarah Geronimo’s Energetic Performance with Billy Crawford

Isa sa paboritong total performer ng mga Pilipino ang Popstar Royaty na si Sarah Geronimo.

 

Labinlimang toan na mula nang pumasok sa industriya ang dalaga. Nagsimula ang lahat nang manalo siya sa TV singing contest na Star For A Night.

 

Ngayon ay milyon-milyon na ang kaniyang mga fans sa buong mundo.

Hindi lamang pagkanta ang naging focus ni Sarah. Natuto rin siyang sumayaw para sa kaniyang all-out production numbers.

 

Marami ang humahanga sa mga dance moves ni Sarah. Tila ba isa na rin siyang member ng professional dance group na G-Force.

 

Nalalapit na ang 15th anniversary concert ng dalaga at siguradong marami na naming aabangan ang mga Popsters mula kay Sarah.

Kakantahin niya sa unang pagkakataon ang mga ini-release niyang singles na “Sandata”, “Ganito”, at “Duyan”.

Makakasama niya sa gabing iyon ang kaniyang mga guests na sina Mark Bautista, Billy Crawford, Xian Lim, Daniel Padilla, at James Reid.

Matagal nang nagkakasama sa mga concerts sina Mark at Sarah.

 

Makakatambal naman niya si Xian sa pelikulang MISS GRANNY.

A post shared by Xian Lim (@xianlimm) on

 

Kasama rin sa pelikulang ito ang Multimedia Prince na si James Reid.

A post shared by James Reid (@james) on

 

Matagal nang sinasabi ni Sarah na nais niyang makasama sa isang pelikula si Daniel ngunit hindi pa ito naisasakatuparan hanggang ngayon.

 

Inaabangan naman ng lahat ng tao ang mga performances ni Sarah at Billy sa ASAP dahil parehong total performers ang mga ito.

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford) on

 

Naging viral ang performance ng dalawa ng mga kantang “Rhythm Nation” at “Together Again” ni Janet Jackson.

 

Panoorin ang one-of-a-kind performance nila dito:

 

Excited na ba kayong mapanood ang performance ni Sarah at Billy sa “Sarah Geronimo: This 15 Me” sa April 14 sa Big Dome?

Leave a Comment