X
Sarah Geronimo, kinakabahan sa kanyang nalalapit na concert

Malapit na malapit na ang concert ng nag-iisang Popstar Royalty, Sarah Geronimo sa Araneta Coliseum.

Ang "This I5 Me" concert ay bahagi ng selebrasyon ng kanyang ika-15 taon sa industriya. Ito ay gaganapin sa April 14.

Ang kanyang huling concert ay noong 2015 pa kaya naman ayon kay Sarah, medyo kabado siya ngayon.

Ito ay kanyang nabanggit sa pakikipagpanayam sa "Anong Ganap?"

"Excited, it's been three years na ata mula nung 'From the Top' na huli kong concert sa Araneta Coliseum, so kailangang paghandaan.

"Na-miss ko na rin ang pag-perform sa big stage at big venue kaya medyo napapalunok na 'ko, nate-tense na, iniisip ko pa lang. Pero I'm excited."

Abangan rin ang kanyang mga guest sa "This I5 Me" concert, kabilang na sina James Reid, Xian Lim, Daniel Padilla, Mark Bautista at iba pa.

Leave a Comment