X
Sarah Geronimo, Nagbigay ng Update sa Kaniyang Bagong Album

Sunod-sunod ang pag-release ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ng mga bago niyang singles.

Nauna niyang inilabas ngayong 2018 ang kantang “Sandata”. Sinundan ito ng “Ganito”. Nonng nakaraang linggo lamang ay ini-release niya ang kantang “Duyan” na komposisyon ni Yumi Lacsamana at Thyro Alfaro.

Nalalapit na rin ang concert ng dalaga. Gaganapin ang “Sarah Geronimo: This 15 Me” sa Big Dome sa April 14. Guests niya riot sina Mark Bautista, Billy Crawford, Xian Lim, Daniel Padilla, at James Reid.

Pagkatapos ng concert niya sa bansa ay lilipad siya sa America para sa US Tour ng This 15 Me. Makakasama niya sa tour si Mark at si Sam Concepcion.

Ngunit mayroon pa tayong dapat abangan bago ang kaniyang 15th anniversary concert!

Inannounce na ng VIVA Records na irerelease ni Sarah ang kaniyang bagong album na “This 15 Me” isang araw bago ang concert.

Maaari nang mag pre-order sa link na ito: https://apple.co/2qhIL0W. #This15Me

A post shared by VIVA Records (@viva_records) on

 

Huwag natin itong palagpasin, Popsters!

 

Excited na ba kayo sa This 15 Me? Ibahagi sa amin ang inyong paborito mula sa tatlong tracks na inyo nang narinig!

Leave a Comment