X
Pasilip sa Dance Rehearsal ni Sarah Geronimo Para sa Kaniyang Concert

Dalawang araw na lang at masasaksihan na natin ang 15th anniversary concert ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Gaganapin sa April 14 sa Big Dome ang “Sarah Geronimo: This 15 me” kasama ang mga guests na sina Mark Bautista, Billy Crawford, Xian Lim, Daniel Padilla, at James Reid.

Naghahanda na si Sarah para sa kaniyang concert na ito. Bukod sa kaniyang napakagaling na pagkanta, kilala rin siya bilang isang mananayaw.

Dahil siya ay isang total performer, pasabog parati ang kaniyang mga song and dance numbers.

Ipinasilip ng VIVA Artists Agency ang mga naging dance rehearsals ng dalaga para sa kaniyang nalalapit na concert.
Kitang-kita na focused si Sarah sa kaniyang rehearsals.

Nais talaga niyang mapasaya ang mga taong pupunta sa kaniyang anniversary celebration.

Ilan lang ang mga ito sa ating aabangan sa April 14.

Siguradong marami pang pasabog si Sarah sa kaniyang concert!

 

Ano ang nais niyong makitang iperform ni Sarah sa “Sarah Geronimo: This 15 Me”? Ibahagi sa amin sa comments section sa ibaba!

Leave a Comment