X
Pasilip sa high-tech stage design ng concert ni Sarah Geronimo

Ipinasilip ng sikat na concert director na si Paul Basinillo ang mga detalye sa magiging stage design sa 15th anniversary concert ni Sarah Geronimo.

Engrande at high tech ang ipinakitang design ng director.

“We have a multi-level stage and we have a grand for the LED panels. First time ni Sarah na magkaroon ng parang orchestra sa isang malaking concert,” he said.

Busy na ngayon ang Popstar Royalty sa paghahanda para sa kanyang pinaka-inaabangang concert.

Sa updates ng Viva Artists Agency, makikita ang mga rehearsals na ginagawa ngayon ni Sarah.

Abangan ang "This I5 Me" concert ngayong Sabado na, April 14 sa Big Dome.

Leave a Comment