X
Sarah Geronimo, handa na kaya para sa kanyang concert?

Binigyan ng sneak peek ng concert director na si Paul Basinillo ang press sa kanilang ginagawang paghahanda para sa nalalapit na concert ni Sarah Geronimo.

Ipinakita ni Direk Paul ang isang VTR kung saan ito ay parang isang music video at paiba-iba ang ayos ni Sarah.

“The VTR and the costume changes go hand in hand. Dahil anim yun we have six costume changes yung pang anim is the grand reveal. Gusto namin ipakita sa inyo na teaser lang na magkakaroon ng special gown na gawa ni Furne One Amato,”

Sinabi rin ng sikat na concert director kung gaano kinakabahan ang Popstar Royalty kaya naman nagbakasyon ito para alisin ang kabang nararamdaman.

“Every time na magkakaroon kami ng meeting, tatanungin niya kami kung, ‘Kaya ko pa ba ito? Gusto pa ba ito ng tao?’ We want to reassure her na ‘oo naman definitely because you’re Sarah already.’

"Sabi namin na ganun pero yung apprehension coming from her mahaba ang lay off niya from the previous concert that was two years ago.”

Abangan ang ilan pang updates ang mga pasabog ng nag-iisang Popstar Royalty para sa kanyang concert ngayong Sabado, April 14 sa Big Dome.

Leave a Comment