X
#ThrowbackThursday: Music Video ng “Can This Be Love” ni Sarah Geronimo

15 years na sa showbiz ang Queen of her Generation, Sarah Geronimo.

Marami nang kanta at album ang kaniyang ginawa sa loob ng panahon na ito kaya naman nananatili siyang household name sa bansa.

Madalas ginagamit ang kaniyang mga kanta bilang theme song ng mga pelikula.

Isa na rito ang kanta niyang “Can This Be Love” na ginamit sa movie na may parehong pangalan.

Ang movie na ito ay pinagbidahan ni Sandara Park at Hero Angeles noong 2005.

 

Panoorin ang official music video ng “Can This Be Love” ni Sarah dito:

 

 

Makikita sa video na may wispy bangs at wavy hair pa si Sarah noon. Hindi naman nagbago ang kaniyang boses, sobrang powerful pa rin ng kaniyang pagkanta noon hanggang ngayon.

 

Ano ang paborito niyong kanta ni Sarah? Ibahagi sa amin sa comments section sa ibaba!

 

Sabay-sabay nating abangan ang nalalapit na concert ni Sarah na “Sarah Geronimo: This 15 Me” sa April 14 sa Big Dome!

 

Makakasama niya sa kaniyang concert sina Mark Bautista, Billy Crawford, Xian Lim, Daniel Padilla, at James Reid.

Leave a Comment