X
WATCH: Bloopers ng First-Ever Sarah Geronimo-John Lloyd Cruz Movie

Kapag pelikula ng tambalang AshLloyd, siguradong papatok ito sa takilya.

Nagkasama na sa apat na pelikula ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo at ang isa sa pinakatitiliang lalaki sa Philippine showbiz, si John Lloyd Cruz.

Una silang nagtambal sa “A Very Special Love”, na siya namang sinundan ng mga sequel na “You Changed My Life” at “It Takes A Man And A Woman”. Nagkaroon sila ng comeback movie noong nakaraang taon, ang blockbuster film na “Finally Found Someone”.

Kagaya ng ibang movies, hindi naiwasan na magkaroon ng bloopers sa unang pelikulang ginawa ni Sarah at John Lloyd.

Bungisngis at napaka-cute ni Sarah sa mga outtakes na ito.

Panoorin ang bloopers ng A Very Special Love dito:

 

Sobrang kulit ng AshLloyd!

Inihahanda na ng VIVA Films ang sunod na hit movie mula kay Sarah, ang MISS GRANNY. Makakasama niya rito ang kapwa niyang VIVA artists na sina Xian Lim at James Reid.

 

Ano ang paborito niyong blooper moment ni Sarah? Ibahagi sa amin sa comments section sa ibaba!

 

Photo credits to @sarahgeronimoshots IG

Leave a Comment