X
Sarah Geronimo and Billy Crawford’s Ground-Breaking Performance

Naging successful ang nagdaan na This 15 Me concert ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Napaka-energetic ng dalaga at todo bigay siya sa bawat number na kinailangan niyang kantahin at sayawin.

Isa sa mga naging paborito ng audience ay nang samahan siya ng isa pang total performer ng VIVA Artists Agency na si Billy Crawford.

Tila nagkaroon ng Chris Brown tribute sa This 15 Me concert dahil sa mga ipinerform ng dalawa.

Ang mga hit songs ni Chris Brown na “Bassline” at “Questions” ang kinanta ni Sarah at Billy.

Bukod dito, todo rin ang paghataw ng dalawa sa Big Dome nang gabing iyon.

 

Para makapagpasalamat sa kaniyang fans abroad, magkakaroon rin ng This 15 Me US concert tour si Sarah.

 

Kita kits, Popsters sa US!

Leave a Comment