X
Sarah Geronimo, Bumirit sa Kantang “Love On Top”

Kilala si Sarah Geronimo bilang isang biritera.

(Source: @sarahgeronimoshots Instagram Post)

Isa ito sa mga dahilan kung bakit siya ang itinanghal na champion ng TV singing contest na Star For A Night noong 2003.

(Source: @sarahgeronimoshots Instagram Post)

Naging successful ang kakatapos lang na 15th anniversary concert ni Sarah na THIS 15 ME sa Big Dome. Nagtanghal siya dito noong April 14 kasama sina Mark Bautista, Billy Crawford, Xian Lim, Daniel Padilla, at James Reid.

(Source: @sarahgeronimoshots Instagram Post)

Lahat ng production numbers ng gabing iyon ay pasabog kaya naman hiyawan ng hiyawan ang mga Popsters.

(Source: @sarahgeronimoshots Instagram Post)

Ilang beses ring nag-standing ovation ang audience dahil sa performances ni Sarah.

(Source: @sarahgeronimoshots Instagram Post)

Ang concert na ito ang regalo ng dalaga sa mga taong sumuporta sa kaniya sa loob ng labinlimang taon niya sa industriya.

(Source: @sarahgeronimoshots Instagram Post)

Mae-experience rin ng buong mundo ang feeling habang nanunuod ng concert ni Sarah dahil magkakaroon ito ng global tour.

Kasalukuyang nasa America ang Popstar Royalty para sa US leg ng kaniyang tour. Sunod siyang tutungo sa Pilipinas para sa nationwide tour niya ng nasabing concert. Magkakaroon rin ng European tour ang record-breaking concert na ito.

Isa sa mga hindi nating makakalimutang birit performance ni Sarah ay ang kaniyang rendition ng Love On Top ni Beyonce.

Panoorin ito dito:

Nagustuhan niyo ba ang kaniyang Love On Top performance? Ibahagi sa amin ang inyong mga komento sa ibaba!

Leave a Comment