X
WATCH: Sarah Geronimo, Ibinirit ang “Chandelier”!

Lahat ay namamangha kapag bumibirit ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

(Source: @sarahgeronimoshots Instagram Post)

Nag-standing ovation sa Big Dome noong kaniyang THIS 15 ME concert nang kaniyang kantahin ang “I Don’t Wanna Miss a Thing”.

(Source: @sarahgeronimoshots Instagram Post)

Abot na abot ng dalaga ang mga high notes at napakasarap pakinggan ng kaniyang boses na hinulma ng mga taon na itinagal niya sa industriya.

(Source: @sarahgeronimoshots Instagram Post)

Unang nadiscover si Sarah sa TV singing contest na Star For A Night. Dito pa lang ay pinatunayan niya na iba siya sa lahat dahil sa kaniyang winning piece na To Love You More. Hanggang ngayon ay isa pa rin ito sa mga kanta na ina-associate kay Sarah. Paborito rin itong kantahin ng mga Pilipino sa mga singing contests sa mga barangay at sa karaoke kasama ang barkada.

(Source: @sarahgeronimoshots Instagram Post)

Habang tumatagal ay hindi kumukupas ang talent ni Sarah. Kasabay ng kaniyang pag-grow bilang manganganta, tinuruan niya rin ang knaiyang sarili na sumayaw, ang naging dahilan kung bakit siya tinawag na total performer.

(Source: @sarahgeronimoshots Instagram Post)

Isa sa mga challenging songs na kinanta nito ay ang hit song ni Sia noong 2014 na Chandelier.

Kinanta niya ito sa isang episode ng variety show na ASAP.

Panoorin ang version ni Sarah ng Chandelier dito:


Sa mga kababayan natin sa America, mayroon na kayong pagkakataon na maki-celebrate kay Sarah sa kaniyang 15th anniversary sa showbiz!

Mapapanood ang THIS 15 ME sa mga sumusunod na dates:
APRIL 28 - San Francisco, CA
APRIL 29 - Las Vagas, Nevada
MAY 4 - Chicago, Illnois
MAY 6 - New York, New York

See you there!

Leave a Comment