X
Sarah Geronimo is a Cute Photobomber on Mark Bautista’s Interview

Hindi maipagkakaila na isa si Sarah Geronimo sa mga pinaka-genuine at humble na artista sa industriya.

(Source: @sarahgeronimoshots Instagram Post)

Labinlimang taon na siya sa showbiz ngunit ang kaniyang ugali ay hindi nabago ng kaniyang popularidad. Siya pa rin ay kilala bilang isang mabuting anak, kaibigan, at katrabaho.

(Source: @sarahgeronimoshots Instagram Post)

Kung ikaw ay isang solid Popster, marahil ay alam mo na bungisngis at makulit ang dalagang ito.

(Source: @sarahgeronimoshots Instagram Post)

Pinakita niya ang side niyang ito sa ating lahat noong kaniyang storytelling portion sa naganap na THIS 15 ME Concert sa Big Dome noong April 14. Bukod sa kaniyang pasabog at all-out performances, napatawa niya ang audience kaya naman lahat tayo ay umuwing may ngiti sa ating mga labi.

(Source: @sarahgeronimoshots Instagram Post)

Ipinakita na naman ni Sarah ang kaniyang makulit na side nang siya ay nag-“photobomb” sa kaibigan niyang si Mark Bautista habang ito ay iniinterview.

Kasama niya si Mark at si Sam Concepcion sa US leg ng kaniyang THIS 15 ME Concert Global Tour.

Maging si Mark ay natawa sa ginawa ni Sarah.

Panoorin ang cute na cute na video na ito dito:

A post shared by Sarah Geronimo Fan (@isgfan) on

Sobrang cute!

Maari pang mapanood ang concert ni Sarah sa America sa mga dates na ito:
APRIL 28 - San Francisco, CA
APRIL 29 - Las Vagas, Nevada
MAY 4 - Chicago, Illnois
MAY 6 - New York, New York


See you there!

Leave a Comment