X
Sarah Geronimo nag-ala Shakira

Si Sarah Geronimo ay iilan lamang sa mga singers dito sa Philippine show biz na kayang-kayang sumabay sa giling ng G-force habang kumakanta. Siya ang total performer.

Ating balikan ang performance na ito ng Popstar Royalty na sa ASAP kung saan siya ay nag ala-Shakira.

Kinanta ni Sarah ang hit song na "Hips Don't Lie."

Kasalukuyang busy ngayon si Sarah sa kanyang US Concert Tour para sa "This Is Me" concert na isang selebrasyon ng ika-15 taon niya sa industriya.

Pang-apat na leg na ang natapos niya at susunod naman silang magpe-perform sa Chicago.

Leave a Comment