X
Sarah Geronimo’s Bestfriend in New York, Cubao Shares Heartwarming Message

 

Marami ang natuwa nang magkaroon ng reunion ang ilan sa mga cast ng musical drama ng ABS-CBN noong 2004 na “Sarah The Teen Princess”.

 

Pinagbidahan ito ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo. Nakasama niya rito ang fellow “Star For A Night” contender na si Mark Bautista.

Reunited with Sarah G!

A post shared by Mark Bautista (@iammarkbautista) on

 

Habang sila ay nasa New York para sa US leg ng THIS 15 ME global tour ni Sarah, nakita nila ang kanilang co-star na si Aiza Marquez. Ngayon ay naninirahan na sa America si Aiza.

?? @letsirkm #centralpark #spring #photography

A post shared by Aiza Marquez (@zingmb) on

 

Nagkaroon ng love triangle ang tatlong ito sa nasabing palabas. Mag-best friend naman ang mga karakter nila Sarah at Aiza.

 

Sa kanilang reunion, hindi nila naiwasang balikan ang mga memories nila noong 2004.

https://www.instagram.com/p/BiTnh85lujA/?taken-by=zingmb

 

Pinost ni Aiza, “STTP Episode.. Jasmine leaving the Mansion.

Jasmine: Ipromise mo sakin hindi ka na iiyak. Gusto ko magpakatatag ka. Gusto ko pagbalik ko nakatayo ka pa din. Mag iingat ka dito.

Sarah cries and Jasmine gave her a big hug.”

 

Nagbigay rin ito ng isang heartwarming message para sa dalaga.

 

“You've come along way Sars. You are so blessed because you have a big heart. Kaya ang daming nagmamahal sayo. Iba ka! Iba ka talaga! Grabe hindi ka nagbago si Ms. "Po" ka pa din. At ikaw pa din yun Sarah the Mahagikgikin. I'm so happy to see you. Namiss kita ha. @justsarahgph

-Your bestfriend in New York Cubao,

Jasmine.”

 

Isa ka ba sa mga nakapanood ng Sarah The Teen Princess? Ibahagi sa amin ang iyong paboritong Sarah-Jasmine moment sa comments section sa ibaba!

 

Maaari pang mapanood ang THIS 15 ME concert sa MAY 4 sa Chicago, Illnois at MAY 6 sa New York, New York.

1 Comments
  1. Emyrose ilog
    May 4, 2018 -
    Reply

    That's our queen full of kindness in her heart with so much humility in her we love you always do take good care of your self. Your the best :)

Leave a Comment