X
Kaninong idea ang ‘Sun Dance’ na ginagawa ni Laida Magtalas?

Isa sa mga pinaka tumatak na characters ni Sarah Geronimo sa pelikula ay si Laida Magtalas. Ang simpleng babae na may gusto sa di niya maabot na boss niyang si Miggy Montenegro.

 

 

Isa sa mga paboritong eksena ng marami ay ang pagsayaw ni Laida ng tinawag niyang "Sun Dance." Sa katunayan ay tila naging signature na ni Laida ang dance moves na ito.

 

 

Kanino nga kaya nagmula ang idea na ito?

 

Sa isang interview ni Sarah sa Popstar Diaries, ibinahagi niya na nagmula raw ito sa Assistant director noon ni Cathy Garcia-Molina na si Dir. Epifania Limon.

 

 

Sabi ni Sarah, "'Yung sun dance po ay galing sa idea ni Direk Panying (Epifania Limon). Biglaan lang 'yung input niyang 'yon.

 

"Tribal dance ata 'yon eh. 'Di naman namin akalain na sobrang papatok siya."

 

Ginaya niyo rin ba ang Sun Dance noon?

 

Samantala, abangan ang susunod na pelikula ni Sarah, ang "20 Again: Miss Granny" sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal. Makakasama niya rin sina James Reid at Xian Lim sa pelikulang ito.

Leave a Comment