X
“Naaalala niya ang Diyos sa ginagawa niya,” Cheche Lazaro on Sarah Geronimo

Alam ng karamihan na isang napakabuting anak at kaibigan si Sarah Geronimo.

 

Hindi niya nakakalimutang tumingin at balikan ang kaniyang pinanggalingan. Siya ay isa sa mga pinaka-successful na performer sa Pilipinas.

Happy Happy Birthday Sarah!!! #sarahgeronimo

A post shared by Sarah Geronimo Pics & Vids (@sarahgeronimoshots) on

 

Ngayong taon, kaniyang ipinagdiriwang ang kaniyang 15 years sa industriya.

? #SarahGeronimo #SarahGThis15MeConcert @justsarahg @justsarahgph

A post shared by Sarah Geronimo Pics & Vids (@sarahgeronimoshots) on

 

Dahil sa kaniyang mabuting kalooban, siya ay binayayaan ng mga proyekto at mga taong walang humpay ang suporta at pagmamahal sa kaniya.

 

Isang beses, nag-guest ang dalaga sa palabas ng award-winning broadcast journalist na si Cheche Lazaro na “Cheche Lazaro Presents”.

 

Dito ay napuna ng journalist na maka-Diyos si Sarah.

 

Sabi nito. “You seem like a very religious person. Why are you very grounded in your faith?”

Ayon kay Sarah, ito ay dahil sa kaniyang mga magulang.

“Ganun po kami pinalaki ng mga magulang ko. Pero si Mama po ‘yung talagang lahat ng gagawin mo, dapat bago mo gawin, magdasal ka muna. ‘Yan ang turo niya po sa amin,” sabi nito.

Komento naman ni Cheche sa dalaga. “She’s a very nice, kind, soft, and very God-fearing. Talagang naaalala niya ang Diyos sa ginagawa niya.”

“At para sa’kin, magandang katangian ‘yon para sa isang tao kasi hindi ka nalulunod sa iyong pagka-celebrity person. So I think that’s very admirable,” puri nito.

 

Panoorin ang interview dito:

 

Ito ay isa lamang na patunay na role model talaga si Sarah ng mga kabataan.

 

Panoorin ang Davao leg ng THIS 15 ME Concert tour ni Sarah sa June 30 sa SMX Convention Center Lanang, Davao City!

SARAH GERONIMO THIS 15 ME CONCERT LIVE IN DAVAO CITY! ?????? BUY YOUR TICKETS AT 2ND FLOOR, SM ECOLAND DAVAO, (fronting Dickies near Food Court). FOR INQUIRIES, you may contact our hotline ?(0998) 964 4585? or PM EKG Productions (pls indicate SG This 15 Me Davao Inquiry). Tickets also available at SM Tickets Cinemas across all SM Malls and Online Tickets are available at https://smtickets.com/events/view/6670. SARAH GERONIMO THIS 15 ME Concert Live in Davao City June 30, 2018 | 8PM SMX Convention Center, Davao Special Guests: XIAN LIM, G-FORCE DANCERS & OTHERS. Ticket prices: VVIP - P4200(reserved seating, free pre-signed This 15 Me Album CD and With Group Photo Op) Limited Only VIP - P2800 (reserved seating) GOLD - P1900 (free seating) SILVER - P1200 (free seating) GENAD - P650 (free seating) #SGThisIsMe #SGThisIsMePHTour

A post shared by VIVA Live, Inc. (@vivaliveofficial) on

Leave a Comment