X
Sarah Geronimo, Co-Director sa Kaniyang Music Video!

Napakaraming talento ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

 

Isa siyang magaling na singer, dancer, aktres, at host.

Radiance... ?? #sarahgeronimo #finallyfoundsomeone @justsarahgph @justsarahg

A post shared by Sarah Geronimo Pics & Vids (@sarahgeronimoshots) on

 

Ngunit alam niyo ba na naging isang direktor na rin ang dalaga?

 

Naging co-director siya ng music video ng kanta niyang “Ikot-Ikot” mula sa album na Expressions noong 2013.

 

Tinulungan siya rito ni Direk Paul Basinillo. Choreographer naman dito si Teacher Georcelle Dapat-Sy ng G-Force.

 

Ayon kay Sarah, “This year has seen many firsts for me. And one of the most important was my first time to co-direct a music video of mine. Yes, in my ten years in showbiz, ngayon lang nangyari ito. I guess I felt the time was right, and I was ready for it.”

 

Sabi pa nito, “Ilang beses na kasi kaming nagkatrabaho ni Direk Paul. Nag-worry ako na baka pareho ulit ‘yung atake nung music video na magawa namin. But this time, talagang nakakatuwa na iba din pala talaga kapag involved ka talaga sa konsepto. Kasi gusto mo talaga ‘yung ginagawa mo, pinaniniwalaan mo talaga ‘yung ginagawa mo kasi galing din sa’yo eh. Mas sincere, kumbaga.”

 

Kumusta ang experience niya kasama si Direk Paul? “Si Direk Paul, nakakatuwa na bilang direktor, hindi lang siya ‘yung very strict na kung ano lang ‘yung gusto niya, ‘yun ang masusunod. Talagang collaborative din siya.Willing din siya na magkatrabaho kami, na pagtulungan ‘yung konsepto para maging bago talaga, maging iba ‘yung makikita ng mga tao.”

 

Kwento ni Direk Paul, “We actually conceptualized this for four months. Si Sarah kasi has a lot of ideas also. It’s the first time that we’re doing it with her co-direction. It’s actually a co-directed music video.”

 

Kumusta naman bilang co-director si Sarah? Sagot ni Direk Paul, “Si Sarah ang isa sa mga tumutulong dito para mag-isip kung paano niya gustong i-execute ‘yung music video for the first time. It really has something to do with the way she wants to express herself. Malaking bagay ‘yung creative input niya dito sa music video na ‘to. Kasama siya sa decision-making and kasama rin siya sa lahat ng ginagawa namin sa production, from start to finish.”

 

Kinwento rin nito ang konsepto sa likod ng music video. ““Ikot-Ikot” lang is about life, her life. It talks about the things that she still wants to do and kung bakit paikot-ikot lang ‘to sa buhay niya.”

 

Maraming natutunan si Sarah mula sa experience na ito. “It was a great experience. Good concept, magandang collaboration with Mark Nicdao, Teacher Georcelle Dapat-Sy, Direk Paul Basinillo. Ako din may mga na-share din ako na konsepto. Lahat ‘yun pinagsama-sama namin. It turned out great.”

Panoorin si Sarah bilang co-director dito:

 

Inaasahang magre-release ng bagong music video si Sarah sa kanta niyang “Sandata” mula sa kaniyang latest album na THIS 15 ME.

 

Sabay-sabay nating abangan ito, Popsters!

 

Maaaring mapanood na mag-perform ng live ang dalaga sa “Sarah Geronimo: THIS 15 ME Concert LIVE IN DAVAO” sa June 30 sa SMX Convention Center Lanang, Davao City.

SARAH GERONIMO THIS 15 ME CONCERT LIVE IN DAVAO CITY! ?????? BUY YOUR TICKETS AT 2ND FLOOR, SM ECOLAND DAVAO, (fronting Dickies near Food Court). FOR INQUIRIES, you may contact our hotline ?(0998) 964 4585? or PM EKG Productions (pls indicate SG This 15 Me Davao Inquiry). Tickets also available at SM Tickets Cinemas across all SM Malls and Online Tickets are available at https://smtickets.com/events/view/6670. SARAH GERONIMO THIS 15 ME Concert Live in Davao City June 30, 2018 | 8PM SMX Convention Center, Davao Special Guests: XIAN LIM, G-FORCE DANCERS & OTHERS. Ticket prices: VVIP - P4200(reserved seating, free pre-signed This 15 Me Album CD and With Group Photo Op) Limited Only VIP - P2800 (reserved seating) GOLD - P1900 (free seating) SILVER - P1200 (free seating) GENAD - P650 (free seating) #SGThisIsMe #SGThisIsMePHTour

A post shared by VIVA Live, Inc. (@vivaliveofficial) on

 

See you there!

Leave a Comment