X
Sarah Geronimo’s spoof of Kathryn Bernardo from ‘Princess and I’ is the funniest!

Noong taong 2012, nagkaroon ng kanyang sariling musical show ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo, ang "Sarah G. Live."

Si Luis Manzano ang kanyang co-host sa nasabing show. Ito ay umere sa ABS-CBN kada linggo at tumagal rin ng isang taon.

Dito naipakita ni Sarah ang kanyang charm sa kanyang mga fans at dito rin niya naipakita ang kanyang funny side.

Sa isang episode nito, nai-spoof ni Sarah ang isa sa mga sikat na artista sa Kapamilya network na si Kathryn Bernardo.

Kasagsagan noon ng teleserye ni Kathryn na "Princess and I" kung saan kasama niya sina Khalil Ramos, Enrique Gil at Daniel Padilla.

Sa kanyang pagganap, nakasama niya ang mga komedyanteng sina Kakai Bautista, Ate Gay, Kedebon, at K Brosas. Kasama rin sina Gab Valenciano at Robi Domingo dito.

Samantala, abangan ang pelikula ni Sarah na "20 Again: Miss Granny" kung saan makakasama niya sina James Reid at Xian Lim, sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.

Leave a Comment