X
Sarah Geronimo nagpasalamat sa mga nagbibigay sa kanya ng inspirasyon

Nagpapasalamat ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa mga taong nagbibigay sa kanyan ng inspirasyon para ipagpatuloy ang pagbibigay saya niya sa tao.

Sa kanyang interview sa "Anong Ganap?" nagbigay siya ng mensahe para sa kanyang mga magulang, sa kanyang managers, sa mg patuloy na sumusuporta sa kanya at pati na rin sa mga hindi naniniwala.

QUEEN SG! ? #sarahgeronimo @justsarahgph @justsarahg

A post shared by Sarah Geronimo Pics & Vids (@sarahgeronimoshots) on

"Syempre sa family ko, sa parents ko, di naman magkakaroon ng ganito, hindi magkakaroon ng 15 years si Sarah Geronimo sa industriya kung di dahil sa kanila.

"Also to my manager and kay Boss Vic.

"Syempre sa mga unang-una pa lang naniwala na, hanggang ngayon, at sa mga hindi pa rin naniniwala kasi malaki din silang factor kasi sila 'yung inspiration mo 'din eh."

Patuloy ang concert tour ni Sarah dito naman sa bansa. Sa June 30 ay nasa Davao City siya para sa "This Is Me" concert tour na gaganapin sa SMX COnvention Center.

Leave a Comment