X
EXCLUSIVE: Tingnan ang cute scene na ito ni Sarah Geronimo sa ‘Miss Granny’

Malapit nang ipalabas sa sinehan ang pinakabagong pelikula ni Sarah Geronimo, ang "Miss Granny!"

Ito ay isang remake ng isang sikat na South Korean film na may kaparehong title.

Ang kwento nito ay tungkol sa isang 70-year old na biyuda na bumalik sa kanyang pagkabata matapos magpakuha ng litrato sa isang misteryosong photo booth.

Tiyak na maantig ang inyong mga damdamin at kayo ay mapapatawa rin sa hatid na saya at mga bagong mapupulot na aral sa pelikulang ito.

Maliban sa Pilipinas, marami na ring bansa ang gumawa ng kani-kanilang remake sa pelikulang ito. Ang ilan sa mga bansang ito ay ang China, Japan, Vietnam, Thailand at Indonesia.

Bago niyo pa mapanood ang Filipino version nito, narito ang ilang exclusive behind-the-scene photos na kuha sa taping nila.

Sobrang cute ni Sarah Geronimo!

Ipapalabas ang "Miss Granny" sa August 22, sa direksyon ng blockbuster director na si Bb. Joyce Bernal. Kasama ni Sarah sina James Reid, Xian Lim, at Nova Villa.

Panoorin ang full trailer nito dito:

Abangan pa ang ibang updates!

Leave a Comment