X
Tingnan ang exclusive behind-the-scenes na ito ni Sarah Geronimo sa ‘Miss Granny’

Nalalapit nang ipalabas sa sinehan ang pinakabagong pelikula ni Sarah Geronimo, ang "Miss Granny."

Nakatakda ang showing nito sa August 22 kaya naman excited na excited na ang mga Popsters sa bagong project na ito.

Kasama ni Sarah ang dalawa sa mga pinakasikat na aktor sa Pilipinas, si James Reid at Xian Lim.

Narito ang ilang exclusive photos na kuha sa kanilang taping!

Ang kwento nito ay tungkol sa isang 70-year old na biyuda na bumalik sa kanyang pagkabata matapos magpakuha ng litrato sa isang misteryosong photo booth.

Maraming Asian countries na rin ang gumawa ng remake ng pelikulang ito mula nang ipalabas sa South Korea noong 2014.

Ilan sa mga bansang may remake rin nito ay China, Japan, Vietnam, Thailand at Indonesia.

Abangan ang "Miss Granny" sa mga sinehan simula August 22. Sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.

Panoorin ang trailer nito dito:

Leave a Comment