X
Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz’ hugot lines from ‘A Very Special Love’

Dalawa sa mga pinaka-minahal na karakter sa pelikulang Pilipino ang iconic roles na ginampanan nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz na sina Laida Magtalas at Miggy Montenegro.

Sila ang mga bida sa mga pelikulang, "A Very Special Love," "You Changed My Life," at "It Takes a Man and a Woman."

Noong 2008 ipinalabas ang kanilang unang pelikula at natapos noong 2013.

Malamang ay matagal-tagal na rin mula nang inyong mapanuod ang "A Very Special Love" kaya naman kami ay nag-compile ng mga hugot lines na binatawan nina Laida at Miggy na hindi niyo dapat makalimutan!

  1.  

Miggy: "Ano bang gagawin ko para mapatawad mo na'ko?
Laida: "Patigilin mo ang ulan."
Miggy: "Imposible ang hinihingi mo!"
Laida: "Eh imposible din 'yung hinihingi mo eh!"

 

2.  

Laida: "Mahirap? Yan, mahirap? Subukan mo kayang magmahal sa isang katulad mo nang malaman mo kung ano ang mahirap!"

 

3.  

Miggy: "I'm sorry if I didn't love you in the way that you did. Pero maniwala ka, minahal kita sa paraang alam ko. I'm a work in progress, Laida. Ngayon ko lang nalaman na pwede pala akong mahalin kahit ganito ako."

 

4.  

Laida: "Kung sumusuko ka na kasi pakiramdam mo sumuko na lahat sa'yo, andito pa 'ko oh!"

 

5.   

Miggy: "Laida, I didn't ask you to love me."
Laida: "Alam ko."
Miggy: "Then don't make me feel as if I have to love you back dahil kahit bali-baliktarin mo pa ang mundo ngayon, wala na'kong maibibigay sa'yo. Maawa ka nga sa sarili mo."

Na-miss niyo rin ba sina Laida at Miggy? Ibahagi ang inyong comments!

Samantala, abangan ang bagong pelikula ni Sarah Geronimo, ang "Miss Granny." Showing in cinemas nationwide simula August 22.

Kasama niya rito sina James Reid, Xian Lim, Nova Villa, at marami pang iba! Directed by blockbuster director, Bb. Joyce Bernal.

Leave a Comment